Lunes, Abril 1, 2013

PUSONG GALA sa Marinduque Part 1 - Sta. Cruz


Warning, heavy post.


Bumanat nanaman ng solong lakwatsa ang pusong gala. Unang beses kong pupuntahan ang Marinduque, The Heart of the Philippines, at lalakbayin ko itong mag-isa. Magmula nang makilala ko ang isang kaibigan noong 2003, naging interesante sa akin ang lugar na ito. Ginusto kong malaman ang pinanggalingan niya at kung bakit ganoon nalamang kaganda ang buong pagkatao niya sa paningin ko, na hindi nakikita ng kanilang mga mata. Ngayon ay Holy Week. Layunin ko na harapin ang mga frustrations, what if's and what not na matagal nang bumabagabag sa akin. Sa paraang ito, makukumpleto ko na proseso ng pagpapatawad sa aking sarili, pagtanggap sa hinaharap, at magsimula ng panibagong buhay. Magagawa ko lamang ito kung mabibigyan ko ang aking sarili ng oras upang mapag-isa, magnilay-nilay at magdasal ng tahimik. Bagay na salungat sa gustong mangyari ng isang kaibigan - magbakasyon, gumala at mag-enjoy. Gagawin ko din yan, but first things first. May nagbabadyang pagka-udlot ng moment na nais kong mangayari.

Madaming mga pagkakataon na kung tutuusin, pwede naman akong pumunta doon, pero ika nga ng mga barbero, kung hindi ukol, hindi bubukol.

Madaming nagtanong sakin "bakit ka nag-iisa? wala ka bang mga kaibigan?"

"Pinagpala po ako ng napakaraming mabubuting kaibigan. Paminsan-minsan, mainam din ang mapag-isa" ang aking tugon.
Huwebes santo, alas singko y'media ng hapon, umalis ako sa Cubao sakay ng JAC Liner biyaheng Lucena/ Dalahican sa halagang Php 227. Nabalitaan kong may diretchong biyahe na ang JAC Liner na umiikot ng  Marinduque, sa kasawiang palad, 3 weeks palang bago mag Holy Week, fully booked na. Commute commute nalang, no choice eh. Maluwag ang daan, walang traffic. Himala.                                                                                                                                     

Dalahikan Port. Huwebes Santo, alas-dyes ng gabi. Tila himala na walang mahabang pila at di na kailangan magsiksikan. Noong linggo hanggang miyerkules pa pala naganap ang ganoong mga eksena ayon sa konduktor ng bus. Pumalaot kami patungong Balanacan Port sa Marinduque ganap na 10:30 ng gabi sa halagang Php 260 plus Php 30 na Terminal Fee. May tatlong pangunahing port ang Marinduque - Balanacan Port, Cawit Port at Buyabod Port. Una kong target na puntahan ay ang Maniwaya Island sa Sta. Cruz upang makapag isip-isip at mapag-isa. Upang makarating sa Maniwaya Island, kailangan kong makarating sa Buyabod Port. Ang siste, walang biyahe pa-Buyabod ng mga oras na iyon. Ang pinakamalapit kong mapupuntahan ay Sta. Cruz via Balanacan Port. 

Sige, ipasok mo pa.

Maluwag na daw yan sa lagay na yan, sabi ng isang regular na pasahero.

astig lang...

Rodeo. Naaalala mo pa ba ang Rodeo Corned Beef?

Sa halagang 65, menudong ma-sebo sa styro, pantawid gutom.

Sorry ka boy, hindi siya ipinagbibili.

Ang kainaman ng pagiging isang konduktor - swabeng pwesto.

Kung tutuusin, dati rati nung hindi pa uso ang mga promo tickets sa eroplano, MRT daw ang eksena sa barko pag ganitong mga okasyon. Sa tingin ko, natututo na sila.

Ako'y ihahatid, ako'y itatawid, o barkong makisig, wag kang tatagilid.

Habang naglalakbay, madaming naglalaro sa isip ko. Magpanggap sa ikasasaya nila, o manatiling totoo sa sarili at hayaan nalang sila. Paano ba mag-isip ng tama? Ano ang tama? Sino ang may tama? Saan banda? Malala na ba? Madilim ang lahat. Tila ba ang sabi tuloy ng langit "BUWAN, SHINE BRIGHT LIKE A DIAMOND, MAGMADALI KA!" etchos...
Halaw kay Señora Santibañez

Hangang sa masilayan ko ang isla sa unang pagkakataon, hindi nagpa-tinag ang buwan, habang sinasalubong ako ng malamig at preskong simoy ng hanggin.
Atlast! 12:30 am nakarating ako sa Balanacan Port ng Marinduque. Diretchong sakay ng van patungong bayan ng Sta. Cruz sa halagang Php 80. Mukhang napa-aga naman yata ako ng sobra.  

Bahay pamahalaan ng Sta. Cruz

Biyernes Santo ng Ala-una y'media ng madaling araw. Ano'ng gagawin ko dito sa ganitong oras? May mga naiwang bakas ng nakaraang magdamag. Ang senakulo.

Ganitong kaaga. Nagpa-hatid ako sa Sta Cruz Hotel, puno na daw. Sa Dewey Hotel naman, meron pa kaso napag isip-isip ko na sayang lang ang 380 pesos kung aalis din naman ako pa-Maniwaya sa ganap na alas-7 ng umaga.

Pwede ko naman tawagan ang isang kaibigan na may bahay sa malapit lang, pero di yata magandang mambulahaw ng ala-una ng madaling araw. Kailangan ko lang ng masisilungan... pwede na to. Salamat sa mga taga-TODA na magiliw akong binantayan hangang sa pagsikat ng araw. 4 hours na tulog, ayos!
May misa ng 6:30 ng umaga. oh, buwan, nariyan ka pa rin

Naka-belo pa talaga sila. Hardcore catholic. astig lang.

Sta. Cruz Church.

Ang astig lang ng pulpito nila. "Pulpito" o "pulpit" sa English ang tawag sa pwesto kung saan nagsesermon ang pari. Sa simbahan ng Sta. Cruz, Marinduque, di ko maiwasang purihin ang grandioso nitong postura na may pagka-Spanish Baroque ang istilo na simbolo ng kapangyarihan at kayamanan. Talagang wow moment...
Pagkatapos ng misa, dumiretcho na 'ko sa sakayan ng tricycle sa harap lang simbahan papunta sa Buyabod Port para sumakay ng bangka patungong Maniwaya... Hanggang alas-dyes lang ng umaga ang mga biyahe ng bangka. Kapag hindi ko sila naabutan, kinabukasan na ko makaka-tawid ng Maniwaya. O di kaya'y magrerenta ng bangka sa halagang Php500. Maaga pa naman pero maigi nang sigurado. And besides, maliit lang ang Sta. Cruz, at nandito na sila kahapon pa. Ipinagdasal ko na sana hindi ko sila makasalubong sa daan dahil tiyak na hindi ako makaka-tanggi. 
Ano ang naghihintay kay Puso Gala sa Maniwaya Island? Magkikita ba sila ng mga taong iniiwasan? Bakit niya ito, iniiwasan? Abangan.